human-age.com

Tatlompung minuto kada araw ang nilalaan ko sa larong ito. Online game na nagsisimula sa prehistoric age paangat sa isang sibilisadong nilalang. Mayroon itong apat na ages : Prehistoric, Celtics, Egypt at Greece. Kasalukuyang nasa prehistoric age ako o age 1 , pwede na kong mag-evolve sa celtics o age 2 kung nais ko dahil nakumpleto ko na ang mga goals ng age 1.

“Caveman/woman” ang character sa age 1. Meron kang tatlong “Jobs” na pagpipilian kung bago ka sa laro hanggang sa makumpleto mo ang mga “quests” para madagdagan ang mga pagpipilian mong “Jobs”. Mayroon ding mga “hunting grounds” na kung maganda ang huli mo pwedeng madagdagan ang iyong kinikitang pera (“Goat Kneecaps” kung tawagin sa game/age1) dahil pwede itong ibenta sa market.

Sisimulan mo ang game na meron kang 200 GK. Ito ang gagamitin mo para makabili ka ng weapon (para mag-hunt), mga gamit sa iyong tirahan at iba pang mga bagay.

Para sa mga taong mahaba ang pasensya.. (syempre kasama ako) para sa atin ang larong ito! ang saya!


Virtual human development game
free human development game
www.human-age.com

~ by dhangski on July 11, 2008.

Leave a Reply