Libro
Bago lumabas ng Mall galing sa pamamasyal, napagdesisyonan kong dumaan sa isang bookstore dahil may bibilhin sana akong box, malas at naubusan ako ng stock.. kaya’t naglibot-libot na lang muna kami ng aking mag-anak at nagtingin-tingin ng mga libro. Tuwang-tuwa ang aking mga tsikiting ng makakita ng iba’t-ibang karakter sa mga pambatang libro. “Mommy read tayo ng book” tugon ng babae kong anak. Tuwa’t lungkot ang pakiramdam ko noong oras na iyon. Tuwa, dahil nagbubunga na ang mga ipinunla ko sa kanila. Lungkot, dahil ng magpunta kami sa nilaang reading cubicle ay halos wala ng batang nagbabasa gayung huling araw naman ng linggo at pahapon na (matao sa mall sa ganung araw at oras diba?). Naisip ko lang…parang kakaunti na yata ang mga batang interesado sa pagbabasa ng libro, di kagaya noong panahon ng dalawang nauna kong anak…siksikan sa cubicle at mahirap kumuha ng magandang pwesto.
Marahil ang nagiging dahilan ay ang maka-hightech na nating panahon. Nandiyan ang mga pambatang CD/DVD na mabibili para sa mga toddlers, ito man ay educational, cartoons, animated movies etc. nagkalat yan. Isama pa ang mga hightech na toys at syempre ang telebisyon.
Pero mas nakakabahala yung mga batang marunong ng gumamit ng computer, bibihira na silang magbuklat ng libro. Ako, iba ang patakaran ko sa loob ng bahay. Halimbawa ay ang kanilang inuuwing araling pambahay, kung may research ay pinauuna kong ipabuklat ang mga datihan ng binili kong referrence books bago gumamit ng computer at internet. Ipinaghanda ko rin sila ng iba’t-ibang interesanteng libro na pwede nilang basahin kapag wala silang ginagawa.Hindi ko naman sila pinagbabawalang gumamit ng computer…yun nga lang may araw na itinakda para doon.
At naku ang daming na ring mga hightech gadgets (game console, handheld game console, mp3/Mp4 player, cellphone etc.) na pwedeng pagkalibangan nitong mga batang ito kaya marahil naisasantabi na ang pagbabasa ng libro. Nakakalungkot.















Leave a Reply