Bed Time Storytelling.. uso pa ba?
Oo naman.. sa bahay namin! Hindi nga lang gabi-gabi pero kahit paano may oras pa rin kami ng mga tsikiting na muling sariwain ang mga exciting na kwento nila Jack, Pinoccio, Cinderella, Goldilocks, Snow White at kung sino-sino pa. Ang saya kaya! naku aliw ang mga anak ko pag bedtime story na. Ang essence nga sana nito ay ang makatulog sila habang binabasahan ko kaya lang sa amin baliktad–ang ingay namin lalo sa kwarto, kaya hindi ko inaaraw-araw e, syempre care ba naman nila kung mapuyat sila e hindi pa naman sila nagsu-school.
Lately ginawan ko ng twist….ang usual na bedtime story book tinabi ko muna, masyado ng famous sa minds nila yung mga character e. Hmm–teka eto naman ngang mga planets. Noong una akala ko dededmahin nila, nagulat pa ako–aba! pinatulan yung siyam na planeta! pati araw at buwan isama mo pa!
Nag-enjoy sila as if kini-kwentuhan ko sila ng storya ni Cinderella. Ang ginawa ko kasi, inintroduce ko yung book ng katulad ng dati binasa ko ng katulad ng dati. Ang masaya doon…two consecutive days, an hour for each… Voila! Memorize na nila yung siyam na planeta. Ang saya diba?!
Isa ito sa mga traditional na gawain sa loob ng bahay. Nakakatanggal ng stress, nakakabawas ng pressure, si baby pa ang magbebenepisyo…bonding and learning thing ika nga.















i just want to share my experience with my ‘lil daughter when i was in the phils for my vacation..
baby pa sya nun, pero nakanasanayan nya na binabasahan ko sya ng bedtime stories. at 7 mos old, nakatingin lang sya saken lagi, pero ang cute part dun, kapag ginagawan ko ng sariling tranlation sa tagalog ang mga stories na binabasa ko. with matching vocal change at sound effects..
sobrang ngiti ang anak ko.. priceless ika nga!
now na malayo ako sa kanya, mommy nya ang nagbabasa lagi sa kanya ng stories before going to bed. nasanay na ang daughter ko and somehow, she’s more interested in reading colorful books (kahit hindi naman sya marunong pang magbasa) than playing with toys.
i guess may magandang epekto sa bata ang ganyan.
thanks for visiting my blog btw. good day!
Got here thru WP!
uu nga. Masaya yan. Dati ginawa ko rin yan. Nagbasa ako ng mga interesting books at talagang epektib naman aty madali talagang madaling natututo ang binabasahan mo. Hanggang ngayon ginagawa ko pa rin yan kahit single pako–sa sarili ko. Pano busy dati si mama sa mahjong nung maliit pako- eh, di ako na lang! -ako pa. grade 2 na kaya ako nun. Marunong nako bumasa no, sorry siya.
Sa baby ko bedtime TV wathcing e.