iphone clone daw (Chinaphone)
Kung may tatlong libo ka.. nagtitipid at gustong magka cellphone na may camera, music player, video recorder at kung ano-ano pa—–pasok tong iphone Q380 sayo. Pero ingat lang dahil nga gawa sa China walang kasiguraduhan ang quality. Dumoble ang gastos ko ng bilhan ko ang panganay kong anak dahil isa-isang bumigay ang mga accessories gaya ng headphone, charger at battery sa loob lang ng dalawang linggo (ingat na ingat pa sya sa gamit nun). 3 days replacement, 1 month service warranty lang ang kontrata ko sa binilhan ko di pa kasama ang parts kaya pag nasira ang unit gastos ko pa! Ibinalik ko ang unit pero dahil sa tapos na ang replacement warranty e kailangan ko nang bilhin ang accessories na nasira (wag na!). Para di na ko mag-alala sa susunod na manyayari.. naisipan kong i-trade na lang sa ibang unit (Nokia 6670) kahit second hand o used na basta ayoko na! Nabili ko ang fake iphone sa halagang P2800 after 2 weeks nagdepreciate sa halagang P2000, nagdagdag ako ng P1500 sa kapalit na unit… kaya ang suma ng ginastos ko ay P4300. Tanga na kung tanga pero gusto ko na rin magbigay ng babala!















mommy, thanks for the add. i have added you na also. please check sa blogroll. mommy, join ka weekly fest ha. thanks!!
haay naku mahulog lng yan sira n yan… kaya ako khit second hand basta orig pwde na.. ano p expect natin sa ganyang fake.. haaay
Anyway, thanks for adding me in your blogroll
—————————-
very much welcome iris!
good day!
meron ba kayo battery nang iphoneQ380?
wala kasi dito sa lugar namin..
good day, may komento din ako, sa fake na iphone na yan, may frend recomend me sa halagang 2,000.00 kasi kailangan daw nang frend nya ang pera kaya binabinta nya sa frend ko..mga ilang weks lang di ko na ma open at tsaka pinatingin ko sa celshop un pala naka ilang repair na at masama pa ako ang binagbintangan nag frend ko na sumira daw sa phone, nya at ngayon inaway ako nag frend ko dahil lang don..