Nandito Muli!
Hay, matagal-tagal na rin ang lumipas ng ako’y huling sumulat! Ang dami kasing kailangan gawin kaya napag-isip kong umabsent muna sa blogging. Una yung pag-asikaso ko sa aking munting negosyo—iniwan ko muna ang pagsulat dahil sa dami ng kailangan kong i-layout (pero ngayon hindi ko na rin maasikaso na dapat sana’y syang libangan ko rin sa araw-araw), pangalawa yung bagong work ni mister na medyo talagang kinailangan kong masanay sa aking panibagong daily ruotine. This time nakakapag-adjust na rin ako pero slight pa lang. Grabe kung dati-rati’y nakakapagbabad ako sa harap ng PC ko ngayon ilang oras lang kailangan kong mag-shutdown dahil matatagalan uli bago ako bumalik (madalas pa ngang di nako talaga nakakabalik dahil kailangan kong matulog ng maaga), di na uso sakin ngayon ang mag-iwan ng bukas na PC maghapon— ang hirap ng kumita ng pera para ipangbayad lang sa kuryenteng kasalanan ko rin naman kung bakit kay taas-taas ng monthly bill. Noon kasi iwan ko lang bukas ang PC tapos gagawin ang mga dapat gawin tapos balik ulit and so on hekhek. Dati rin alas dos na ng madaling araw gising pa ko— ngayon pinaka-late ko na ang alas-diyes ng gabi madalang pa— most of the time 6pm pa lang lay down na ang pretty mama hehe. Anywayz, eto na naman ako nakakasundot na sa pagsulat hay i’m so happy! kamusta na kaya ang mga ka-blog ko bukas ko na siguro kayo masisilip















Leave a Reply